Kumupas na ang paningin
Sa loob ng rehas na dingding
Balisa ang aking damdamin
Takipsilim ay parating
Walang bituin na matanaw
And dila ko'y nalulusaw
Hindi mapawi ang uhaw
Ng tubig na mapakla
at mapanglaw
Ang diyos ba'y nakalimot
O wala nang pakialam
Naubos na kaya
Ang awa sa palad niya
Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil na sala
Ilang alon ang dala
Ginapos ng mga kamay
Pagsisise lang ang taglay
Buong katawan ko'y nangamay
Paglapit sa hukay na naghihintay
Ang ngisi ng berdugo
Ang kislap ng kanyang patalim
Pumikit ka na lang
Ng hindi mo naramdaman
Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil ng sala
Ilang alon ang dala
Ang kalbaryo'y tapos na
Ang madlay tumingala
Sa lihim na ginawa
Isang butil na sala
Ilang alon ang dala…
Tahimik na ang paligid
at ang diwa ko ay naidlip