Kumupas na ang paningin Sa loob ng rehas na dingding Balisa ang aking damdamin Takipsilim ay parating Walang bituin na matanaw And dila ko'y nalulusaw Hindi mapawi ang uhaw Ng tubig na mapakla at mapanglaw Ang diyos ba'y nakalimot O wala nang pakialam Naubos na kaya Ang awa sa palad niya Ang madlay tumingala Sa lihim na ginawa Isang butil na sala Ilang alon ang dala Ginapos ng mga kamay Pagsisise lang ang taglay Buong katawan ko'y nangamay Paglapit sa hukay na naghihintay Ang ngisi ng berdugo Ang kislap ng kanyang patalim Pumikit ka na lang Ng hindi mo naramdaman Ang madlay tumingala Sa lihim na ginawa Isang butil ng sala Ilang alon ang dala Ang kalbaryo'y tapos na Ang madlay tumingala Sa lihim na ginawa Isang butil na sala Ilang alon ang dala… Tahimik na ang paligid at ang diwa ko ay naidlip