Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito May nagbabangayan sa isang bayan
Mga takam sa kapangyarihan
Gusto nilang maghariharian
Para lang sa pangsariling pakinabang Saan na ba papunta ang kinabukasan
Ng mga taong nalasing sa karangyaan
Kung hindi na liliwanag ang isipan
O kay pait ng kanilang huling hantungan KORO:
Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito (Ulitin muli ang KORO) Tahimik ang ilang naabutan
Ang iba nama'y nag-iingay pagka't may kulang
Tinabunan ang katotohanan
Kaya't nagdusa ang walang kasalanan Meron bang naghihintay na kapalaran
Sa nahumaling na sa kayamanan
Ang salaping iyong iniingatan
Madadala mo ba sayo'ng libingan Ang tunay na paraiso
Ay wala naman sa piso
Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito (Ulitin muli ang KORO ng tatlong beses) KODA:
Wala, wala, wala
Wala, wala, wala
Ang paraiso'y wala sa piso Wala, wala, wala
Wala, wala, wala
Ang paraiso'y wala sa piso