Ang tunay na paraiso Ay wala naman sa piso Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito May nagbabangayan sa isang bayan Mga takam sa kapangyarihan Gusto nilang maghariharian Para lang sa pangsariling pakinabang Saan na ba papunta ang kinabukasan Ng mga taong nalasing sa karangyaan Kung hindi na liliwanag ang isipan O kay pait ng kanilang huling hantungan KORO: Ang tunay na paraiso Ay wala naman sa piso Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito (Ulitin muli ang KORO) Tahimik ang ilang naabutan Ang iba nama'y nag-iingay pagka't may kulang Tinabunan ang katotohanan Kaya't nagdusa ang walang kasalanan Meron bang naghihintay na kapalaran Sa nahumaling na sa kayamanan Ang salaping iyong iniingatan Madadala mo ba sayo'ng libingan Ang tunay na paraiso Ay wala naman sa piso Ngunit bakit naman may mga taong nagkakagulo dahil dito (Ulitin muli ang KORO ng tatlong beses) KODA: Wala, wala, wala Wala, wala, wala Ang paraiso'y wala sa piso Wala, wala, wala Wala, wala, wala Ang paraiso'y wala sa piso