[Verse 1]
May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makakuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
[Verse 2]
Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayong may asawa at mayroon nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko
[Pre-Chorus]
'Di mo na kailangang magalinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
[Chorus]
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka-hah
Ng maling akala
[Verse 3]
Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto?
Naglalayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisi dahil 'di nakapagtapos
[Pre-Chorus]
'Di mo na kailangang magalinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung 'di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
[Chorus]
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot dumadami
Hindi mo maibabaon sa limot at bahala
Kapag nabulag ka-hah
Ng maling akala
[Verse 4]
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa'y madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay
[Outro]
Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki)
Sa maling akala (Konting gusot dumadami)