[Verse 1] May mga kumakalat na balita Na ang misis ni kuwan ay madaling makakuha Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna Marami ang namamatay sa maling akala [Verse 2] Nung ako'y musmos pa lamang ay takot sa multo Nung ako'y naging binata, sa erpat ng syota ko Ngayong may asawa at mayroon nang pamilya Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko [Pre-Chorus] 'Di mo na kailangang magalinlangan Kung tama ang gagawin mo Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan Kung 'di sigurado sa kalalabasan Kalalabasan ng binabalak mo [Chorus] Maliit na butas lumalaki Konting gusot dumadami Hindi mo maibabaon sa limot at bahala Kapag nabulag ka-hah Ng maling akala [Verse 3] Nasa'n na ba ako? Kaninong kama 'to? Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto? Naglalayas sa bahay, akala madali ang buhay Ngayon ay nagsisi dahil 'di nakapagtapos [Pre-Chorus] 'Di mo na kailangang magalinlangan Kung tama ang gagawin mo Basta't huwag kalimutang magdahan-dahan Kung 'di sigurado sa kalalabasan Kalalabasan ng binabalak mo [Chorus] Maliit na butas lumalaki Konting gusot dumadami Hindi mo maibabaon sa limot at bahala Kapag nabulag ka-hah Ng maling akala [Verse 4] May mga kumakalat na balita Na ang kaligtasa'y madaling makuha Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna Marami ang namamatay [Outro] Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (Konting gusot dumadami) Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (Konting gusot dumadami) Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (Konting gusot dumadami) Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (Konting gusot dumadami) Sa maling akala (Maliit na butas lumalaki) Sa maling akala (Konting gusot dumadami)