Bawat Pasko'y may dalang himala
Malakas mang ulan, ito'y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila
Anumang lungkot, tayo'y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa't isa'y mayrong paglingap
Mga pangarap, ngayo'y magaganap
Laging masaya ang kwento ng Pasko
Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko'y magkasama tayo
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko
Wo-oh wo-oh-oh
Wo-oh wo-oh-oh
Kwento ng Pasko
Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas
Ilang taon pa man ang lumipas
Dahil ang bawat damdamin
Umuukit nang malalim
Marangya man ang pagdiriwang
Kahit simpleng kasiyahan
Ang tunay na may kayamanan
Pamilyang nagmamahalan
(Repeat Refrain)
(Repeat )
Magbago man lahat sa mundo
Nananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos
(Repeat )
Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko't sa iyo
Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Nasaan man sa mundo, magkasama tayo
Sa kwento ng Pasko
(Repeat 3x)
Isang kwento
Iisang kwento
Kwento ng Pasko