Bawat Pasko'y may dalang himala Malakas mang ulan, ito'y titila Bubuhos ang pagpapala May kapiling ang nangungulila Anumang lungkot, tayo'y aahon May lunas sa sugat ng kahapon Sa isa't isa'y mayrong paglingap Mga pangarap, ngayo'y magaganap Laging masaya ang kwento ng Pasko Dahil sino ka man, may nagmamahal sa'yo Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko Sa puso ko'y magkasama tayo Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig ko't sa iyo Sa 'ting himig, ipagdiriwang ang pag-ibig At ito ay tatawid sa buong daigdig Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig ko't sa iyo Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko Wo-oh wo-oh-oh Wo-oh wo-oh-oh Kwento ng Pasko Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas Ilang taon pa man ang lumipas Dahil ang bawat damdamin Umuukit nang malalim Marangya man ang pagdiriwang Kahit simpleng kasiyahan Ang tunay na may kayamanan Pamilyang nagmamahalan (Repeat Refrain) (Repeat ) Magbago man lahat sa mundo Nananatili ang diwa ng Pasko Ang pagpapala ay hindi mauubos Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos (Repeat ) Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig ko't sa iyo Sa 'ting himig, nadarama na ang mahalaga Nasaan man sa mundo, magkasama tayo Nasaan man sa mundo, magkasama tayo Sa kwento ng Pasko (Repeat 3x) Isang kwento Iisang kwento Kwento ng Pasko