V. Michael - Sinaktan Mo Ang Puso Ko lyrics

Published

0 688 0

V. Michael - Sinaktan Mo Ang Puso Ko lyrics

Di ko akalaing magagawa mo sa 'kin to Matapos ko maibigay ang lahat-lahat sa 'yo Iniwan mo akong nag-iisa't nagdurugo Kinabukasan kaya'y mabubuhay pa ako BRIDGE: Pakingan mo'ng aking awitin Inaalay lamang sa 'yo Sinaktan mong aking damdamin Nguni't di mo na sana sinaktan ang puso ko REFRAIN 1: Sinaktan mo ang puso ko Sinaksak mo ng kutsilyo, Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo CHORUS: Sinaktan mo ang puso ko Ngayon ako'y naghihingalo Mauubusan na 'ko ng dugo Sinaktan mo ang puso ko Naaalala mo pa ba nu'ng nagsasama pa tayo Nilalagyan mo ng bubog Ang palaman ng tinapay ko, Manonood ng sine, Isang linggong naghintay sa'yo Sabi mo traffic ka lang, naniwala naman ako (Repeat Bridge) REFRAIN 2: Sinaktan mo ang puso ko Nilagyan mo ng turnilyo Sinunog mo ng posporo, hinampas mo ng tubo (Reapeat Chorus) Ba't di mo ka'gad sinabi sa 'king Di mo na ako gusto Nakuha mo pa akong ipakagat sa aso n'yo Sinisiraan mo 'ko sa harap ng magulang mo Yung manananggal sa Sampaloc, Ang sabi mong kapatid ko (Repeat Bridge) REFRAIN 3: Sinaktan mo ang puso ko Kinaskas mo ng sipilyo Tinaktakan ng Ajinomto, ipinakian sa aso (Repeat Chorus) REFRAIN 4: Sinaktan mo ang puso ko Tinagpas ng jungle bolo Pinang-linis mo gn banyio, dinikdik mo ng maso (Repeat Chorus) CODA: Sa makakarinig nito, Please lang, Pakibalik ang puso ko..... Michael V.