TJ Monterde - Mabuti Pa Sila lyrics

Published

0 535 0

TJ Monterde - Mabuti Pa Sila lyrics

Mabuti pa ang mga surot, laging mayrong masisiksikan Mabuti pa ang bubble gum, laging mayrong didikitan Mabuti pa ang salamin, laging mayrong tumitingin Di tulad kong laging walang pumapansin Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel At mas mapalad ang kamatis, maya't maya napipisil Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Ano ba'ng wala ako na mayron sila Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalwa Pigilan n'yo akong magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal' Kahit ang suka ay may toyo at ang asin may paminta Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap ang isda Mabuti pa sila, mabuti pa sila Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Mabuti pa ang simpleng tissue at laging nahahalikan Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan Mabuti pa sila, mabuti pa sila Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Ano ba'ng wala ako na mayron sila Di man lang makaisa habang iba'y dala-dalwa Pigilan n'yo akong magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng 'mahal' Mabuti pa ang mga isnatser, palaging may naghahabol Ang aking luma na computer, mayron pa ring compatible Mabuti pa sila, mabuti pa sila Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Di tulad kong lagi lagi na lang nag-iisa, nag-iisa