Sponge Cola - Anting-Anting lyrics

Published

0 421 0

Sponge Cola - Anting-Anting lyrics

Nagbubulungan ang silid Nakatingin ka sa sahig Tanging hiling mo lamang ay hindi ka mapansin Naglulutang ang iyong isip Lumalabo ang tingin Sana'y mga sigaw nila'y di mo naririnig Mahirap mang 'di mainis Tumingala ka lang at ‘wag mag pa-api Bigyang dangal ang iyong sarili Hindi ka nila kayang basagin Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Minsan tinatanong ang sarili kung bakit mo tinataboy tuwing ako'y lalapit Ba't sila ganuon na lang makapang lait Tiwala ko sa sarili parang dinagit Palayo, pwede bang makipag kaibigan Kahit na di mamahalin aking mga kasuotan Na maong, baro, lalo na sapatos, relo, telepono Kelan matatapos Ang mapanghusgang paningin ng lahat Ang iyong halaga dapat may katapat Maliit ka pa rin kahit na iangat At hindi tutoo ang mga alamat Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala Magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala Sa mga pangarap na dinudungaw mo sa bintana Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala (Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala) Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Anting-anting… Magmula ngayon ika'y magniningning Sa iba'y magsisilbing anting-anting Maging isang tugon sa mga naaapi At tayo'y magsilbing anting-anting Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Magmula ngayon ika'y magniningning Para magsilbing anting-anting Magmula ngayon (Magmula ngayon) Magmula ngayon (Ika'y magniningning) Magmula ngayon (Magmula ngayon) Magmula ngayon Magmula ngayon Magmula ngayon Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala Magtiwala ka lamang at si bathala ang bahala Pero pwedeng tumalon, pwedeng maniwala Kasabay ng awit na bukas luluhod ang mga tala