Siakol - P.I. lyrics

Published

0 644 0

Siakol - P.I. lyrics

[Intro:] [Verse I:] Narito ako sa isang lugar Na hindi 'ko maintindihan Nakikipagsapalaran sa buhay Na ang hantungan ay kawalan [Refrain:] De numero ang galaw ng tao Bawat gawin ay may presyo Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan [Verse II:] Daing ng tao'y 'di pinapansin Nililipad ng hangin Pagkain sa araw-araw hindi malaman Pa'no pagkakasyahin [Refrain II:] Lalong yumayaman kapag mayaman Lalong naghihirap kapag mahirap Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan [Chorus:] Walang ginagawa Ang mga walang awa Walang nagagawa kahit pa Ngumawa, magmakaawa Bumaha ng mga luha--- haaa! Bumaha ng mga luha--- haaa! [Verse III:] Narito ako sa isang lugar Ng mga taong tumatakas Naghahanap ng swerte sa iba Dahil dito'y wala ng bukas [Refrain III:] Kakarampot na sasahurin Sa sobrang mahal ng mga bilihin Oh, narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan [Repeat Chorus] (Repeat I) [Refrain:] De numero ang galaw ng tao Bawat gawin ay may presyo Oh narito ako, oh narito Oh narito ako bakit ganito! Oh narito ako sa isang lugar Na hindi ko maintindihan