Siakol - Aso lyrics

Published

0 784 0

Siakol - Aso lyrics

Ako'y may alaga asong mataba Buntot ay mahaba, makinis ang mukha Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya kaming dalawa ay laging magkasama Kung ako ay aalis, siya'y sumusunod Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod Mahal niya ako, mahal ko rin sya Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa Kahit hayop ay dapat ring mahalin Lalo't maamo at masunurin Sila'y alagaan at wag pababayaan Tao at hayop may unawaan Sa aking pag iisa aso ko ang kasama Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama Mahal niya ako, mahal ko rin sya Pag lalambing niya aking damang dama Pag siya'y binabato, aking pinagtatanggol Pag ako'y inaaway, kanyang tinatahol Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa Kahit hayop at dapat ding mahalin Lalo't maamo at masunurin Ngunit minsan ay di mo rin akalain Ang pangyayari ay nagbabago rin Kahol sya ng kahol, ang aso ko'y nauulol Laking gulat ko pati ako ay hinabol Mahal niya ako, mahal ko rin sya Kaya ganon nalang ang aking pagtataka Ako'y may alaga asong mataba Bunto't ay mahaba, makinis ang mukha Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na