Siakol - Malaya Ba lyrics

Published

0 414 0

Siakol - Malaya Ba lyrics

Oh mahal kong bayan dahil sa iyong kagandahan Maraming nag hangad sa'yong mananakop na dayuhan Ang katahimikan mo ay kanilang ginulo Ngunit may nagtanggol sa'yo mga bayaning Filipino Nagkaisang lumaban para sa ating kalayaan Bayaning matatapang bayani ng ating bayan Hindi malilimutan ang kani lang kadakilaan Ang pag ibig sa bayan humantong man sa kamatayan [Chorus] Ngayong Malaya na, Malaya ba? Malayang gumawa ng masama Oh mahal kong bayan ito ba ang kalayaan Kung ang sarili mong anak ay nagpapatayan Mga asal dayuhan sa sariling bayan Mga bagong bayani sa sariling kapakanan [repeat Chorus] Oh mahal kong bayan na ngayo'y nahihirapan Perlas ng silanganan bakit dinumihan Ang ating kalayaan para sa kapayapaan At hindi ang kalayaang gumawa ng kasamaan