Shehyee - Maria Clara lyrics

Published

0 1514 0

Shehyee - Maria Clara lyrics

Verse 1: Ang gusto ko lang naman ay Isang babae na hindi kita mga laman niya At malamang alam mo naman kung bakit. Kasi kung siya na'y akin, hindi na niya kailangan pang mang akit. Naintindihan mo ba ang punto ko? Wala 'kong pake kung uso o gusto mo pakita suso mo. Sa susunod susunod ka sa dapat na sinusuot Para sayo'y walang masamang loob na susunod. Ikaw lang naman ang iniisip ko! O iniibig ko, hindi ko pinipilit to Pilit ko lang isinisingit ito sa isip mo. Kasi ayoko masilip ng mahilig ang singit mo. O..kay lang naman saking magshort ka. Huwag lang yung short mo short na nga tapos short pa. Lord sana ang meron nalang sa Earth ay lonta.. O kaya yung magarang damit na suot ni.. CHORUS: Maria Clara? asan ka ba? asan ka ba? ha? Maria Clara... oh kay ganda, oh kay ganda! Siya'y haharanahin.. (lola) -- "aba teka Shehyee dapat lang!" Ako ay umaawit.. ikaw lang ang natatanging dahilan. Gusto ko ng.. time machine.. Para bumalik sa nakaraan. Para ikaw ay hanapin, (lola) wag mo na bitawan pag iyong nahagkan Verse 2: Flashback! Hindi naman ako madrama na para ang ganito'y iyakan. Kasi ako nama'y isa sa mga taong tao lang naman. Parang malabo pero? talagang eksakto. Aking maikwento, nagka ex ako, Siya ay ayos, ang lupit niya manamit Pagkatapos mas malupit pag walang damit Ayos na sana kung 'di lang naganap Ang isang pangyayaring nagbago ng lahat Ang saklap, aray.. Kaya ngayon ang hinahanap ko na ay si.. CHORUS: Maria Clara? asan ka ba? asan ka ba? ha? Maria Clara... oh kay ganda, oh kay ganda! Siya'y haharanahin.. (lola) -- "aba teka Shehyee dapat lang!" Ako ay umaawit.. ikaw lang ang natatanging dahilan. Gusto ko ng.. time machine.. Para bumalik sa nakaraan. Para ikaw ay hanapin, (lola) "wag mo na bitawan pagka nahagkan" Verse 3: "Sino ba si Maria Clara?" Yan ang natanong ng Isang kaibigan ang sabi pa niya'y Makaluma daw ako at mabuhay nalang sa kasalukuyan. Ang sagot ko naman sakaniya ay ganito po yan. Cleaveage. Pwet, sino ang hindi maaakit dun? Plus legs, kung may tatanggi, plastik yun. O kaya'y bakla. O kahit na ano, basta. Pag ikaw ay nagmahal siguradong lalabas na Rin ang iyong pag ka konserbatibo Kung ika'y maka p**no, babalik ka sa batibot Oo at nakakalibog, talaga si Maria Osawa Pero ang tunay na lalake'y si Maria Clara Ang gustong mapangasawa.. Sa ganitong panahon marami ang nagsasabi na wala na 'di ako naniniwala.. Alam kong nasa isang tahanan ka lang hindi ka lang gumagala Kaya hindi makita Wala sa eskinita sa gabi Kaya 'di ka kilala ng mga siga Andaming s**y baka 'di nga kita mahanap dito Kasi ikaw yung tipong balot tapos may abaniko Kanina pa'ko dito, magpakita ka na sakin, Kailangan kita, kinakapos ako sa hangin Pero kahit maghintay sa paghihirap ay handa Mabagal ang iyong usad kasi malinis ang bakya Sa madaling salita, ang lakad ng tulad mo'y hindi marumi Kaya sa mga bagay na hindi pa naman dapat ay hindi ka nagmamadali Kasi alam mo kung kailan ang tamang panahon Ikaw ang hinahanap ko, wala nga ba ako sa tamang panahon? Drama ko ngayo'y sana'y naisilang na ako noong Panahong andiyan ka talaga, masaya na sana ako ngayon Maria Clara, nasan ka na ba? Lumabas ka na kanina pa ako sa baba nanghaharana.