Shanti Dope - Materyal lyrics

Published

0 21698 0

Shanti Dope - Materyal lyrics

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Dati nasa panaginip lang ang binibini na Naging rason ng kada gising ko sa umaga Kung magmahal kakalangita'y nagiging kama Parang gabi-gabi kung makasiping ko si darna Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman Ang ibig sabihin ng kayamanan Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan Bagong telepono, magara na sapatusan Ayun ay ‘di ko maibibigay ang iyong layaw Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo Na laging ikalabing apat ng Pebrero kada araw Halik mo ay di kayang tuldukan Ng tamis na daig pananim sa tubuhan Di ka man mahandugan kahit maski pandesal Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin Madalas lang talaga ‘kong kailanganin dun sa amin Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin Makasibat na nga nanlalamig ka na ba sakin Nako sana wag naman gustuhin ko mang agaran Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa Wag kang mag-alala sa aking kalagayan Sa ngayon ay kaya ko ng ibigay sa'yo ang kalawakan Habang nakahiga't magkahawak ang kamay Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay Tawanan hanggang sa mag-umaga Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong Mga bagay na sana nagawa pa natin noon Kung ‘di ako makatulog na nagmamaneho't gisingin Ang dalawang ilaw na sakin pasalubong… Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin ‘Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan Ng ako lang ang may alam Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan Ng ako lang ang may alam Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan Dito sa ibabaw ng mundo Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal