Roxanne Castro - Minsan Pa lyrics

Published

0 96 0

Roxanne Castro - Minsan Pa lyrics

Kay tagal ko nang pangarap At lagi nang dasal Pag-ibig na sadyang wagas Ngunit waring kay ilap Ng palad kong ito At ako'y patuloy na bigo O pusong kay sakit Ala-alang kay pait At kung muling balikan ang lahat ng nagdaan Tila wala pang minahal at walang natagpuan Nais ko sanang mag-isa't huwag ng umibig pa Kung yan man ay totoo at manatili sa mundo Na walang buhay Walang kulay Walang nagmamahal Ngunit kung ako'y maghihintay Umasa pa't umibig pang muli Minsan pa Minsan pa akong nangarap At sana'y maganap Sa'yo'y ibibigay lahat Narito ka ngayo't kailanman Ikaw ang langit ko Tanging ningning ng buhay ko Halina sa piling ko Alisin ang takot ko At sa muling malasap Ang pag-ibig na ganap At ang pangarap na mundo Ay matupad sa piling mo Ayaw ko nang muling mabuhay na nag-iisa Ikaw ang simula't wakas Ang ngayon at ang bukas Ikaw ang pag-asa habang buhay Mahal pa rin kita At hanggang wakas Pag-ibig ko'y sadyang wagas Ngayon at kailanman... Aahhh... Whoaaahh... Ikaw ang simula't wakas Ang ngayon at ang bukas Ikaw ang pag-asa habang buhay Mahal pa rin kita At hanggang wakas Pag-ibig ko'y sadyang wagas Ngayon at kailanman... Minsan pa...