Ron Henley - Venus lyrics

Published

0 20956 0

Ron Henley - Venus lyrics

[Featuring: Yumi] (Ron Henley) Nasa isang gilid tahimik lang Palihim lang kitang tinitignan Di mo lang alam kung gaano kaganda ang Tanawin mula sa aking kinatatayuan Ngiti na 'sing tamis ng pulot Mga tingin mo na nagdudulot Ng isang matiniding tagtuyot Minsan naiisip ko kung pede lang sumilip O sumingit sa isang magandang panaginip Mo napatingin bigla sa malayo Nakita ka sakay ng isang puting kabayo Magkita nalang tayo dun sa kabilang ibayo Hihintayin kita sabihin man nilang malabo Para kang prinsesa kung ituring Sa lalim ng ating pagtitinginan sana wag mo kong lunurin Gusto lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin (Ron Henley & Yumi) Kahit na anung sabihin ng iba Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta Basta kahit na anu pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta (Ron Henley) Nabighani sa nag-iisang bitwin sa kalawakan Nais ko sanang abutin at mahawakan Sungkitin kaso nga lang ang higpit ng pagkatali Pagnabuhol nako yari ako sa mahal na hari Ikaw ang araw sa buwan sa tuwing gabing wala ka Walang liwanag sa aking daan Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap Pag mag-damag tayong magkausap Pwede patabi ang lamig kasi Paiinitin natin ang gabe Parang bagong timplang kape Kahit pa gaano kadaming babae Ipakilala sakin ikaw parin ang aking hahanapin Dahil ang puso mo ay mamahalin Dapat ng ingatan at hindi dapat basagin Gusto lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin (Ron Henley & Yumi) Kahit na anung sabihin ng iba Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta Bastat kahit na anu pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta (Ron Henley) Sana ma'y sumalo kapag nahulog ako Sana wag mabagok ang ulo ko sa bato Ngutin nangyari na nagising sa katotohanan Ayoko na ng laro gusto ko na ng totohanan Kung pampiyansa ang usapan ako'y mamumulube Sa tuwing titignan kita lagi mong nahuhule Nais lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin (Ron Henley & Yumi) Kahit na anung sabihin ng iba Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta Basta kahit na anu pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, Mahal pa rin kita sinta (Ron Henley) Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin At napadpad sa isang daanan Hanggang sa matapakan Nang dalawang naghahabulang magkasintahan X2