Ron Henley - Langit lyrics

Published

0 7860 0

Ron Henley - Langit lyrics

Verse 3 Narinig ko na naman ang pangalan mo Kapag ganito kadilim ang araw ko, ang Liwanag mo ang kailangan ko para makita ko Ang nilalakaran ko patungo sa puso mo kung Saan nais kong maging tambayan mo. Sabi Nila langit ka lupa lang ako kita ko ang sinag Ng araw sa mga mata mo, ngayong gabi sa Mga bituin makikisabay ako baka sakaling Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo. Chorus: Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang ngiti mo lang Ay langit na. Verse 2 Ikaw ang bahaghari Pagkatapos ng malakas na ulan Habang ako’y nakahiga Ikaw ang tanawin mula sa may damuhan. Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang May papalubog na araw, ako ay dahan-dahang Nahuhulog na parang bulalakaw. Sabi Nila langit ka lupa lang ako kumbaga hinalo Mo yung kan*l sa pabango, ngayong gabi sa Mga bituin makikisabay ako baka sakaling Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo. Chorus: Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang ngiti mo lang Ay langit na. Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang tingin mo lang Ay langit na. Verse 3 Ang bingi nakarinig, ang bulag nakakita muli, ang pilay ay nakalakad, ang pipi nakapagsalita, ang supot naging tuli. Ang pag-ibig pag inisip ito nasa puso, pag pinuso nasa isip masisira lang ang ulo. Sabi nila langit ka lupa lang ako wala daw akong ka-pagasa pagasa sayo, ngayong gabi sa Mga bituin makikisabay ako baka sakaling Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo. Chorus: Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang ngiti mo lang Ay langit na. Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang tingin mo lang Ay langit na. Verse 4 Iniwan ng tren, punuan ang jeep, laging nahuhulog sa sinasakyang trip, tumirik sa bahala laging pinapahinto kaharap ko lagi ay saradong pinto, basang basa ng ulan, walang payong, masungit ata ang tadhana sakin maghapon, laging nasa hulihan ng pila, payuko na sana tapos bigla kang nagpakita Buti na lang nandyan ka Buti na lang buti na lang nandyan ka sinta (2x) Chorus: Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang ngiti mo lang Ay langit na. Kay sarap tingnan ng langit Kahit nakakangawit na Buti nandyan ka isang tingin mo lang Ay langit na.