Ron Henley - Hagdan lyrics

Hagdan lyrics

Published

0 507 0

[Featuring: Kat Agarrado] [Verse 1: Ron Henley] Araw-araw ay kabaliktaran ang swerte Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde Nakasagutan ko si nanay Si utol nakaaway Hindi na ko umuuwi ng bahay Nagpunta sa kapitbahay Nakitulog, nakitambay Naki-uso, nakibagay Naki-usok, nakitagay Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo Paulit-ulit lang umaasang may magbabago Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao Pagnagtalo yung dalawang aso, yung mabuti yung talo Napalayo sa riyalidad Naglalakad ako ngunit akala ko ako'y lumilipad Naging tamang hinala Panay maling akala Hinahabol ko ang tama At mukhang mali na ata [Chorus: Kat Agarrado] Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad Gusto kong lumangoy Gusto kong lumipad Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat Teka, wag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan [Verse 2: Ron Henley] Ang kalaban ko ay nasa likod nakangiti May inaalok siya sakin, di ako makahindi Di sila nakaitim bagkos nakaputi Nung ako'y nakatikim hindi na ko umuwi Sa aking tunay na buhay Humaba lang ang sungay Ang patunay, tunay ang lakad ko ay pasuray-suray Ako ay uminom ng lason kahapon Umaasang yung taong yon ang nasa kabaong At ako'y ay nilamon ng buhawi Inanod ng ugali kong ‘sing baho ng pusali Sa sobrang bangis nagawa nila akong itali Ang buhay ay tungkol sa kung papano ka bumangon at bumawe Sa aking pagbalik sa liwanag ay nasilaw Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw At kahit na nasasabon, wag na wag kang tatalon Sa bawat bagyo tandaan laging may pag-asa Ron [Chorus: Kat Agarrado] Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad Gusto kong lumangoy Gusto kong lumipad Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat Teka, wag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan [Verse 3: Ron Henley] May araw na malas, may araw ring swerte Tanggap ko nang pula'y hindi pwede maging berde Hindi madali pero posible Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple May mga taong inilagay para ako'y itumba Isang kalabit nalang at ako'y puputok na Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga Binabato-bato ng may mahulog at makuha Sa aking kahinaan ay naging malakas Lalo akong tumingin paloob imbis palabas Isinapuso ko di ako masyadong nag-isip Ng kung ano-ano lalo ko lang niyakap ang inip At ako ay nagpasakop sa programa Sa tulong ng aking mga bagong kasama Ako ay nakabangon sa kama Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga [Chorus: Kat Agarrado] Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad Gusto kong lumangoy Gusto kong lumipad Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat Teka, wag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan [Chorus: Kat Agarrado] Gusto kong maglayag Gusto kong mga pangarap ko, mangyari agad Gusto kong lumangoy Gusto kong lumipad Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat Teka, wag kang magmadali Dahan-dahan lang (dahan-dahan lang) Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

You need to sign in for commenting.
No comments yet.