Repablikan - Kung Alam Mo Lang lyrics

Published

0 3467 0

Repablikan - Kung Alam Mo Lang lyrics

[Intro] Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko Sana pag nalaman mo, mahalin mo rin ako Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito... Kung alam mo lang [Verse 1] Di ko malaman kung pano ko ba sasabihin sayo na mahal na kita Na tiyak ko na nga ang nadarama ko katulad ng ibigin ng aking ama Ang aking ina at dahil doon sila ay nagkaroon ng anak na walo Pang ikapito isinilang ako ang dalangin ko sana ay para sayo Ang kapanganakan ko at kapalaran ko sana maging tayo ngang dalawa Isa sa mga bagay kung bakit isinilang ako para pakasalan ka Paglingkuran ka alayan ang pagmamahal na tanging sayo lang nilaan Hayaan mo na awitan ka habang suot ko ang bagong damit kong nilabhan At may dala pa kong mga bulaklak pero sana naman walang humalakhak Pakinggan mo lang sanang awitin kong ito di mo na kailangan na pumalakpak Makita ka lamang na nakangiti habang nakatingin sa king mga mata Napapalundag ang puso kong ito papalakpak pati aking mga paa Mahal na kita, at yan ang mga salitang nais ko sanang ipaabot Handang ibaba ang mga bituin wag mo lamang sana sakin ipagdamot Ang pagibig mo na walang katumbas kahit na anumang kayaman sa lupa Makasama ka lang kahit anung pagsubok ay handa ko nang makasagupa [Chorus] Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko Sana pag nalaman mo, mahalin mo rin ako Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito... Kung alam mo lang [Verse 2] At tuloy ko na ngang itinatago ang laman ng aking puso Pinipilit ko na wag sabihin kahit pa na maging tuso Ang kamay sa katuturo kung saan ang direksyon Para lang masabe ko sayo ang aking reaksyon Binubulong na lang sa hangin ang itulak ng bibig Kahit na anung mangyari may kaba sa king dibdib Sapagkat kapag kasama ka walang hanggan aking ligaya At kasabay ng paglunok kapag ikay aking kasama Dahil hindi ko na nga masabe ang aking nadarama Ang pagibig ko para sayo hindi mapadama Natatakot na sabihin na gusto kang mahalin Baka kase kapag nalaman mo ako ay sampalin At sabihin mo sa akin na hindi kita mahal Patawarin mo na lang kung ako may naging hangal Labis kang minamahal ay yan ay kung alam mo lang Sanay ipagpatawad mo dahil akoy mahirap lang Repeat chorus Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin matagal ko nang binigay to Sa isang babae na siyang dahilan kung bat nagawa kong awiting ito Para lamang sayo kung bawat oras at panahon gusto ko lamang ikay katabe Abutin man ng magdamag umaga tanghali hapon man o mapagabe Walang tulugan noon pa mahal na kita di mo pa ba natutunugan Sa puso ko ikaw ang laman at niregaluhan ko ng bagay na di hulugan Mula paanan sayo ko nakita gusto kong ugaling wala sa iba Maganda na ang katawan pati kalooban kung alam mo mahal na kita Handa na ko sumunod sa mga gusto mo alpinin mo man o ano Handa ko na rin ibigay ang lahat maliban sa ngipin at katawan ko At para naman makita mo kung gano kita kamahal at wala ng iba Handa kitang pakasalan sa mga simbahan kahit pari pa natin lima Basta marinig ko lang na ako lang wala ng iba ang yong mamahalin Lahat ng sakin iyong iyo ay sakin ang ina ko ina mo na rin Kung alam mo lang kung ano ang nadarama ko pag ikaw ay aking katabe Lubos na ang aking saya pag kasama kita pag wala ka di mapakali Repeat chorus 2X...