Repablikan - Bintana lyrics

Published

0 26982 0

Repablikan - Bintana lyrics

Sa pagpikit ko ng mga mata handa ng managinip Kasabay sa paglipad ng aking diwa ang pag-ihip Ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari Kang hawakan at yakapin, 'kaw ang reyna, ako ang hari Ng kahariaan na sa pagdilat ko'y nawawala Pilitin mang pigilin 'to wala akong nagagawa Upang ang 'sang katulad mo na sa bintana sinisilip Makasama, makausap ng hindi na pinipilit Dahil sa alam ko na mundo natin magkaiba Sinusundo kana ng boyfriend mong ang kotse ay lima At nagiba ang mundo ko mula nang di sinasadya Magkabanggaan at nahulog kwintas mong pinasadya Pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman Ngunit sa 'yong mata ay may lungkot na di malaman Na pilit tinatago ng iyong mga pameme ammuta Sana hindi lang sa bintana makikita kang muli CHORUS: Hirap at sakit ay di alintana Masilayan ka lang dun sa bintana Lahat ay gagawin upang iyong malaman Ang pagibig ko'y tunay, walang alinlangan Tila yata kapalaran na ang sa 'kin tumutulong Nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong At labis kong kinagulat ng ako ay kausapin Tila ang lahat ng tao'y nakatingin sa akin Tayo'y naging magkaibigan, sumbungan at sandalan Ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan Nang ikaw ay magpaalam na d'on na maninirahan Kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan Gusto man kitang pigilan, wala 'kong nagawa Tila ang lahat ng sa 'kin ay biglaang nawala At mula n'on sayo ay di na nagkaroon ng balita Sana'y muli kang makita kahit man lang sa bintana Mula nang nakilala ka Hindi kana naalis sa aking isipan Sana'y malaman mo ang tunay Na nadarama ng puso ko para sa 'yo... {Repeat chorus} Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal Lahat ay gagawin upang iyong malaman Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito Muling umiikot ang aking mundo Sa puso kong ito ikaw ang kailangan Ang pagibig mo dahil minamahal kita... {RepeaT chorus}