Raymond Abracosa (Abra) - Cerberus (feat. Loonie and Ron Henley) lyrics

Published

0 506 0

Raymond Abracosa (Abra) - Cerberus (feat. Loonie and Ron Henley) lyrics

ABRA: Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko! Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad kupad mo Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan uh Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo Halatang inakala ng iba Na di makapangyarihan ang mga ginayuma Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingerong nayamot Pano niyo ko hihilahin sa balong malilim e hindi niyo nga ko maabot Bratatatatatara chik chik bang! o di ba nakakatakot? Pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan Kapag sure hit na ang mga pasabog Sino ba yan? sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan Kahit gago,makabago, makatao at makatarungan eto na si abra tantananan Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit Ang dami paring mga tumitingala braaaa! LOONIE: Sige pumasok ka sa loob ng aking utak Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak Tignan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka Wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin Bituwin at lupa Libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna Bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining At literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet Ako si kamatayan bumaba mula sa langit Alam mo ba kung bakit? para sindihan ka nang buhay Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit Pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak Hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2pac Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan Upang makita nila lampas bente ang taas Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong Di na pwedeng lumabas RON HENLEY Sige pumasok ka sa loob ng aking utak Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat Di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor Mga kabit-kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along Kayang lumamon ng isla Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko Uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko Masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag Na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol Yung iba ay naglabas ng pala, piko, asarol Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang Sariling ataol Tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos Nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos