Raymond Abracosa (Abra) - Bolang Kristal lyrics

Published

0 210 0

Raymond Abracosa (Abra) - Bolang Kristal lyrics

Verse 1: Bolang kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong sa pag inom ng alak Di alam na papunta sa patibong ang tapak Mapapahamak, walang paki Inuman na agad ng hapon hanggang gabi Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na Walang maalala, parang dumaan sa Gubat ang itsura, hininga amoy suka Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na Puro alak lang ang madalas kasama Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama? Lasing na lasing, nakaaway ang nobya Sa gulong ng kapalaran ay nabokya Naiwan nang wala man lang na halik at yakap Di alam ang gagawin kundi balik sa alak Hanggang sa isang gabi, natagpuan Galing sa inuman at naglalakad sa ulan Nakapikit at walang imik pauwi na Nang bigla na lamang nakarinig ng busina May kotse na biglang pabangga na sa kanya Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya Hindi na nagawang, umiwas sapagkat Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan Minsan, sarili din ang di nadidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman kailangan mo sa bolang kristal? Verse 2: Bolang kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong at maakit sa droga Na ipinagbabawal na-adik ng sobra Nag simula sa alok ng kaibigan Napatikim at nanng sabog, nakangiti lang Nakahiligan, dating pangangapa lang Ang laging pang-aliw naging pangangailangan Ano pa nga ba? Wala nang namimilit Kailangan ang tama para sa tamang pag iisip Para matahimik, para makahirit Parang nabubuhay sa magandang panaginip Hanggang sa naging bula ang pera Nawala na lang kaya nagsimula magbenta Naging tagatulak ng mga tampalasan Desisyon na wala ng atrasan Isang gabi, nang magkabilangan Ng ka-tropa nya sa droga na walang iwanan Nakatulog, at paggising ay naisahan Wala ng droga at pera at ang napagbintangan Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo Sapagkat walang natira na kahit na magkano Di masukat ang bigat ng pighating nadama Nasisante si Dante at binaril sa panga Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan Minsan, sarili din ang di nadidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman kailangan mo sa bolang kristal? Verse 3: Bolang kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong ng masyado sa sugal Bakit nga naman makikipagtalo pa tutal Naglalaro at kumikita. Imposible ba Dito mabilis ang kita tipong triple pa Larong baraha, sabong, jueteng at karera Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera Isang araw, pumasok mag-isa sa casino Tinaya ang natitirang limang daang piso Paraiso nang naging isang daang libo Mula noon, halos nanirahan na dito Nang biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi Ubos ang salapi at hindi na makabawi Pero sabi sabi na madali tong bawian Bumawi sa casino? Kasinungalingan! Umutang pa ng pang-gasta sa maton Puro pusta panay pa talo hanggang sa mabaon Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi Isang gabi nasa bubong ng mataas na gusali Madalas ang ugali palaban kapag gipit Pero sa ngayon naka-tanga at nakapikit Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang Sa dami ng problema nagpakamatay na lang Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan Minsan, sarili din ang di nadidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman kailangan mo sa bolang kristal? Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sipatin mo bago sapitin ang napiling daan Minsan, sarili din ang di nadidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman kailangan mo sa bolang kristal?