Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba Nang tayong dal'wa ang unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon Ang mga puno't halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba Nang tayong dal'wa ang unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon Ngayon ikaw ay nagbalik At tulad ko rin ang iyong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa? Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba Nang tayong dal'wa ang unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon