Pamplonian Rhyme - Pakinggan Mo lyrics

Published

0 182 0

Pamplonian Rhyme - Pakinggan Mo lyrics

1st Verse ( Zed ) Nagdaan na saatin ang maraming mga panahon, Bakit tila di pabor sakin ang pagkakataon Isisisi sa ano? Kasalanan ko ba to? O baka dahil sayo kasi ang puso mo'y bato Ikaw ba talaga ay manhid o di alam makiramdam Ilang beses na pinabatid pero wala kang pakialam Sa gitna nating dal'wa ay may pader na nakaharang Ang puso ko'y malat kasisigaw ng iyong pangalan Umaasa na sana magbago ang tadhana, Magwalang bahala at magtiwala kay bathala Ang pag-asa nalang ang tanging pinanghahawakan Di ako nagbibiro sana ako'y paniwalaan Ilang halaman pa ba ang pipitasin, ilang love letter pa ang aking lilikhain Kasi mahal kita, walang iba at di ka susukuan Sana'y pakinggan at pagbigyan, ba't di natin subukang magmahalan C H O R U S Ikaw lamang ang minamahal ko Sayo iaalay ang pag-ibig ko Naghihintay lang na marinig mo Ang sigaw nitong puso ay sana'y pakinggan mo 2nd verse ( Kindz Perez ) Inuunawa kong takot ka lang umibig muli Nangangamba na baka sa pait ito mauwi Tamis ng pagmamahal na lagi kong bukang-bibig Pagkakataon ay sana huwag mo rin ipagkait Sa puso ko na ang hangarin ay mapasaya ka Iibigin kang tapat hanggang lubusang madama Pag-ibig na hindi mo pa nadama sa iba Makailang-ulit na rin akong nasaktan noon At napawi yun lahat sa pagdating mo ngayon Siguro nga ay pahiwatig to ng tamang panahon Na di na dapat pang sayangin ang pagkakataon Kaligayahan ang dala kaya pagbigyan mo sana Di na dapat mabahala at saakin magtiwala Magsilbing inspirasyon sa lahat ng mga lovers Patutunayan natin sa iba na may forever Chorus 2x