Noel Cabangon - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics

Published

0 351 0

Noel Cabangon - Tuwing Umuulan At Kapiling Ka lyrics

Pagmasdan ang ulan Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda Kasabay rin ng hanging kumakanta Maari bang huwag ka na Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan Unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka La la la La la la La la La la la la la la La la la la la la la la la Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan Tuwing umuulan Tuwing umuulan at kapiling ka