No Choice Band - Walang Hanggan lyrics

Published

0 102 0

No Choice Band - Walang Hanggan lyrics

Walang ibang isisigaw, Kundi ang ‘yong pangalan. Walang ibang mamahalin, Kundi ang tamis ng iyong ngiti. Ngunit ngayo’y nasaan ka na? Pangarap ko’y nilisan mo na, Nilisan na… Paano lilimutin Saya ng kahapon Na para lang sa ating dalawa? Paano lilimutin Init ng pangako Na para bang Walang Hanggan? Ngayon ako’y nag-iisa, Hindi matanaw ang umpisa. Kaylan kaya matatapos, Itong hikbi ng mga mata? Ngunit ngayo’y nasaan ka na? Biglang sumama ka sa iba, Iba... Paano lilimutin Saya ng kahapon Na para lang sa ating dalawa? Paano lilimutin Init ng pangako Na para bang Walang Hanggan Tanging tanong kay tadhana, Sa daming anghel sa lupa. Bakit ikaw pa ang nakilala ko… Paano lilimutin Saya ng kahapon Na para lang sa ating dalawa? Paano lilimutin Init ng pangako Na para bang Walang Hanggan Walang Hanggan…