Mike Kosa - My Game lyrics

Published

0 8650 0

Mike Kosa - My Game lyrics

Halika na, pasukin natin ang mundo ng laro Mike Kosa masmatindi pa sa mga egoy at kano Kapag bumanat sa mic katumbas ko'y ilang tumbok Sa aking dila na hindi na nagbabago ng tunog Hinasa ng panahon kasabay ng beat box kong istilo At inilapad ang mga letra sintigas ay iskundero At ilang kwentong barbero ang aking natanggap Ang masapawan ng pangalan ko kay hirap matanggap Ako yung bata na gustung gustung gawing bataan Na beterano naturing ang utak ay walang laman Magcocompose ng english rap na ang buntirya magpabounce Nagpapanggap na englishero mga bobo magpronounce Full effect pero ang rhyming ay na-discorrect Hindi ma-take ang pag-arte sabi ni direk Wla kang karangalan pra sa akin magyabang Isa ka lang na tagahanga na gusto sakin mag-abang Ikaw ay bata para sakin wag kang magmagaling Wala ka pa sa kalahati ng aking narating Ngayon ka pa lang sumisibol at biglang sumulpot At kumpara sakin ng kay dami ko nang nasundot At dahil lang sa pagrarap ay dami nang nainggit Pinapagana ko ay utak at hindi ang damit Kasi ang iba ay nagrarap pra lng sa chikas Eh pano kung hindi na uso ay bigla ka na lng lilikas Hindi usapan kung beterano o maging baguhan O kung ang mic ay nasa kaliwa o nasa kanan Ang importante para sakin ay maging malaya Hindi yung tipong champion ka ng dahil lng sa daya Hindi ka dapat mag-angas o umasta na sikat Alam ko alam mo rin na alam din ng lahat Ikay nagbibingi-bingihan at nagpapakadisente Na sa tuwing itoy tama nagpapanggap na inosente Ang aking clone napakasimple pero di na uutal Ang mga rhymes buong-buo pero malayong magbutal Ipinamalas na ang husay sa mga klase ng duwelo Kung ikaw ang makakalaban di ko kelangan pang bumuwelo Di naging basehan sa dami ng iyong alalay Ang pagiging magaling wala sa estado ng buhay Laki man sa tundo walang sapat na pera Aking kanta'y di kalidad at yaman ko ang letra Di ako nagbibitaw ng mga patapon Isang talento na hindi pinansin ng ilang taon Ako yung preso na pinapangarap mong bumaba At gusto mo akong isama sa iyong pagkadapa Ikaw ang nagsimula ikaw ang unang nagpahangin Binaba ko na ang lona mula sa pinilakang tabing Di ka bagay mag-artista tanggalin ang maskara Batalyong aking nakalaban tinumba ko mag-isa Sa mga gustong maghari na ang trono ay bunyong Kung gusto mong maka-isa humalik sa aking tumbong Read my group DOS TALENTOS in 187 mobstah Sapul ang humahatol sa mahusay na makata.. Mike Kosa!