Michael V - Dj Bumbay lyrics

Published

0 4657 0

Michael V - Dj Bumbay lyrics

Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay Ako'ng inyong lingkod Didjay Vijay Nandito 'ko para maghanap-buhay At your service DJ Bumbay Pumili na kayo, maganda na mura pa Ito ang aking mga paninda Medyo may konting mga diperensya Pero lahat original, hindi pirata Meron akong banig, kasya ang sampu Wala lang hihiga, lahat nakatayo Gusto mo plantsa para sa damit Pero yung handle ang umiinit Kung naiinitan, mag-electric fan Ang umiikot ay 'yung katawan Porselanang arinola galing Pakistan May factory defect, sa loob ang hawakan Meron akong kalan na gawa sa Japan Lumalabas ang apoy doon sa pihitan Kaha de yero para di manakawan Pero hanggang ngayon hindi ko pa mabuksan Bagong cellphone, tatak Nokia Motolite ang tatak ng baterya nya May tv rin ako, mura lang, brand new Kaya lang ang screen merong grado Halika na kayo, wag kayong mahiya Umiikot ako buong Maynila Minsan naglalakad, minsan nakamotor Four gives, five-six, libre door-to-door I'm your friendly neighborhood hulugan Didjay Vijay wag nyong katakutan Come on every all, come on every one Sumabay sa tugtog, DJ break it down Ahoy, ahay, mga manoy, mga manay Muling nagbabalik Didjay Vijay Ako ang traveling ukay-ukay At your service DJ Bumbay Maraming bago, marami 'kong dala Galing Amerika at buong Asia Medyo may konting mga diperensya Pero lahat original, hindi pirata Meron akong Rolex, uy bagay Maraming diamond, isa lang ang kamay Brand new flat screen colored tv Ang kulay ng palabas itim at puti May rubber shoes ako tatak Adidas May factory defect, sa loob ang sintas Kailangan mo ng shoes, panterno sa barong Meron akong boots sa harap ang takong Kung ang business mo ay construction Mura lang, kuha na, de-pedal na pison Masakit ang mata, pagod maghapon Meron akong eye drop na roll-on Bili na ng kutsikyo, made in Japan Ay napakatalim lalo na yung hawakan Gintong wallclock galing Switzerland Pero baliktad sa harap ang sabitan Next time pagbalik ko, I will bring a lot more Four gives, five-six, libre door-to-door Pwede utang, wag nyong kalimutan Basta't wag nyo lang akong tatakbuhan Kaya pag nakita nyo ako say hi Ako'ng inyong lingkod Didjay Vidjay But you can call me DJ Bumbay Nagpapaalam, so long, goodbye