Mezarlon - Kalikasan lyrics

Published

0 474 0

Mezarlon - Kalikasan lyrics

Intro: {Mezarlon} Kalikasan kalikasan Ay ingatan ay ingatan Ang ating kalikasan Ang ating kalikasan Chorus: {Winston} (Mezarlon) Hanggang kailan ka magiging ganyan Kung sa bawat luho'y may masasaktan May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) Verse One: {Mezarlon} Ang kalikasan ay isang napakahalagang biyaya Ng puong maykapal at lubos na pinagpala Pero bakit para bang tila di mo na nakikita? Ang isipan mo'y umiikot lang sa pera Sa tuwing naririnig ko madalas sa radyo Konting ulan lang dito katumbas ay isang bagyo Mga troso oh oh minsan ay tuso Rason sa pagkasira ng bahay mo Hindi ko na malaman kung bakit ba Kalikasan ay sinisira Mga taong lulong sa pera Ang kaligtasan san naba napunta? Hanggang kailan mo maintindihan Ang kalikasan ay ingatan ating simulan Pano kung wala na? Paano na ang mga bata di na magawang Makapaglaro sa mga ibang bata Sana ay makita pa nila Ang isang masaganang kapaligiran Ibalik natin ang dating kulay sa'tin inang kalikasan! Chorus: {Winston} (Mezarlon) Hanggang kailan ka magiging ganyan Kung sa bawat luho'y may masasaktan May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) Verse Two: {Mezarlon} Matitiis mo bang makitang musmos pa lang Ang mga batang wala ng matirhan ganyan ba ang Dapat tularan ng iba? Palaboy sa kalsada Maduming paligid at sila'y nagkakasakit na Meron bang tao na gustong magdusa ang lahat? Subalit madami na ang mga bagay na tila nababayaran ng sapat! Na halaga sa mga na kuha nilang di sa kanila Ito na ba ang kasagutan sa kalagayang ubod ng sama? Hindi ko lubusang maisip kung bakit nangyari? Ang mga pasakit at galit na dating Napakasayang umaawit sa himig ng ating mga damdamin Sana'y magbago pa Ibalik natin ang dating masayang pag-iisa Ng dalawang palad mong Makakatulong sa mundong ito Isang tanim sa bawat tao ay magbabago Isipin mo 'to di lang para sa'yo ang Pagtatanim kasi ika'y humihiling ng isang pagkakataon! Chorus: {Winston} (Mezarlon) Hanggang kailan ka magiging ganyan Kung sa bawat luho'y may masasaktan May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) Hanggang kailan ka magiging ganyan Kung sa bawat luho'y may masasaktan May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan) May dapat kang ingatan (ang ating kalikasan)