[Verse 1] Maglalaho pa ba ang sakit Ng kahapong 'di na maibabalik Pangalan mo sa puso ay naka-ukit Singlalim ng sugat na iyong iginuhit [Pre-chorus] Ngunit panahon lang ang nakakaalam Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan [Chorus] Kahit gano'n pa man, pag-ibig sa'yo'y ipaglalaban Ilang beses mang masaktan 'di magagawang ikaw ay bitawan Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo Lahat matitiis pagka't ikaw ang minamahal ko Kahit gano'n pa man [Verse 2] Mahirap man na limutin Pagkakamali mo'y aking patatawarin [Pre-chorus] Ngunit panahon lang ang nakakaalam Kung kailan maghihilom ang pusong sugatan [Chorus] Kahit gano'n pa man, pag-ibig sa'yo'y ipaglalaban Ilang beses mang masaktan 'di magagawang ikaw ay bitawan Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo Lahat matitiis pagka't ikaw ang minamahal ko Kahit gano'n pa man Kahit gano'n pa man Kahit na gano'n pa man, pag-ibig sa'yo'y ipaglalaban Ilang beses mang masaktan 'di magagawang ikaw ay bitawan Walang iba pang nanaisin kundi sa piling mo Lahat matitiis pagka't ikaw ang minamahal ko Kahit gano'n pa man