Loonie - Pilosopo lyrics

Published

0 500 0

Loonie - Pilosopo lyrics

Verse 1: LOONIE Malawak ang isip, matalas ang diwa Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila Pag hawak ko na ang mikropono lagot Bawat bobong tanong may pilosopong sagot Mag aral ng mabuti yan ang dapat kong gawin Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin Tsaka di ko man aminin Kung ano ang ayaw kong isulat yun ang ibig kong sabihin Di mo maintindihan pilit mo mang isipin Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin Malalim humiwa ang lirikong may ngipin Palaging sariwa hindi nakakabitin Bisayang dako Diyos ko simba ko bakit ganito lahat gusto maging ako Andami kong pangarap tutuparin ko to Tagalog, Bisaya, Ingles may punto parin ako Ano? Chorus: LOONIE Ano mang sabihin mo Di mo kayang tindihan Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo) Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo? Bridge: Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso) Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso) Verse 2: LOONIE Kahit magkulabo pa kame ng sinsasabi mong the best Ako'y karibal pag may bisita kinakain ko yung guest Kung di mo yon na gets pwes di ka na bagets Jejemon at putapetz pwede munang umalis Alis, layas, malinaw ba? Di mo ba naintindihan parang ni hao ma? Bumbilya sa ulo ko may ilaw na Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka Halimaw sa mikropono Teka muna pare Walang sinabe mga letra mo sa akin Tahimik bawat titik, alpabeto'y wawasakin Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim Tawag sa akin dun sa amin ay hari ng tugma Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa? Kase pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa Anong klase? Gift wrapper o wrapper ng lumpia? Pero Chorus: LOONIE Ano mang sabihin mo Di mo kayang tindihan Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo) Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo? Bridge: Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso) Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso) Verse 3: SMUGGLAZ Tulad din ng dati kung pambungad Ay kwento mo sa pagong Parang kumento't mga tanong O argumentong alam mong alam kong alam nyong di na bago parang tunay sa di totoo Sinung binobo nyo nung halalan nung kailan ba sinong binoto mo? Ako'y pipilosopo, para sa likas daliring turong sinaulo nang mapangatawan Bagamat matigas ang ulo'y mayrong malambot na pusong habol ang huling halakhak kahit na pagtawanan Nangarap ng malayo, may natapos, san nagmula? Umabante pataas na may pagpapakumbaba Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ng mga pangungutya Lalo na kung galing lamang sa mga walang mukha Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita Pero di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa Pero baka biglang matulala, alam mo na, magulat ma eat bulaga Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala nyo sakin wala Wala! Brrrr! Chorus: LOONIE Ano mang sabihin mo Di mo kayang tindihan Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo) Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo? Bridge: Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso) Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)