Song Lyrics &
Soundtracks from A to Z

Published by Admin

0910


Verse I: Sa mundong mapanghusga mapangmata at mapanuri Dapat hindi ka basta basta nagpapaapekto sa mga paninirang puri Lalong lalo na kung galing lamang sa mga mahihinang uri Sabi sabi sakin "bathala" matapang ka pala Pusong leon kaya dibdib mo ay walang daga Alam mo bang mga pangarap mo ay pansamantala lamang Samantala ang kapalaran ay sa mga tala nakatala ? Kaya pala parang "tamad" ng mag aral walang kadala dala Walang pang baon Pero kahapon pa ako handa Maglakad sa gubat kahit na takot sa palaka Inakyat ang kabundukan at maghapong nag-gala Inabutan ng dilim muntikan nakong mawala Sa sarili ko pag gapang ko wala kong makapa Nasa dulo na, pala ng bangin wala ng kawala Tumalon na lang kaya ako kakayanin ko kaya ? Kaya ako ay napadasal sabay salto padapa Bahala na si batman yan ang saktong kataga Tsaka na ko gagawa ng mga pakpak ko pababa! Chorus: Tinanggap ang bawat hamon ng mundo Lumaban Nakipaglaro ng apoy at Patintero kay kamatayan Bitbit ko ay pa**langin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin Ay yayakapin ko! Refrain I: Andami talagang nais manira ng pangalan Ngunit ang karamihan at takot tumira ng harapan Pag hindi ko na malaman kung kaibigan o kalaban Ngingitian ko na lamang at.. "Yayakapin ko" Kahit ga'no, kapait ng naranasan Masakit na nakaraang hindi ko matakasan Walang awang tadhana ay tatawanan Kahit gano kasama ng kapalaran "Yayakapin ko" Verse II: Sabi sakin ni santanas: "Mayabang ka pala" Tuturuan kita kung paano magpakumbaba Di kana maiisasalba ng mga kanta mong gawa Pano mo to tutubusin ang kaluluwang matagal nang nakasangla ? Binaba ang dangal nagpakahangal para lang ikaw ay mahalin ng madla Biniyayaan ng katanyagan kaso lang halata na hindi ka handa Kaluluwa kapalit kasikatan yan ang usapang nakatakda Sa kontratang to na may pangalan mo na nakalagda Teka lang wag ka pakasigurado di mo pa ako pag aari Dahil ang titulo ng kaluluwa koy nasakin At ang kasunduan natin ay puro lamang usapang hangin Kasi autograph ang nilagda ko sa kontrata At handa akong tahakin ang mahabang landas pabalik Balewala ang pagod at sakit basta pag uwi yakap at halik Ng aking asawang malupit at ang dalawang anak kong makulit Para sa kanilang kapakanan gagawin ko lahat anuman kapalit! Chorus: Tinanggap ang bawat hamon ng mundo "Lumaban" Nakipaglaro ng apoy at Patintero kay kamatayan Bitbit ko ay pa**langin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin Ay yayakapin ko! Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa! Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko! Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa! Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin Ay tila balewala Verse III: Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait "Tila balewala" Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano pa kasakit "Tila balewala" Aakyatin ko ang pinakatuktok kahit pa gaano katarik "Tila balewala" Sa bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pagbalik Tinanggap ang walang kwentang mga hamon Para bilhin si "loonie" binenta ko si "marlon" Matalo man ngayon bukas ang pwesa koy babangon Pangako mas malakas pa ng triple kesa sa kahapon At kung putapete ang kadebate pare di bale nalang Walang pakielam miski hirangin pinakamayabang At kahit maraming kalaban na balak sirain ang aking pangalan ay balewala Kasi wala naman akong pekeng imaheng inaalagaan kaya Chorus: Tinanggap ang bawat hamon ng mundo "Lumaban" Nakipaglaro ng apoy at Patintero kay kamatayan Bitbit ko ay pa**langin paglabas ng pinto Nakakapunit man ang hanging sasalubungin Ay yayakapin ko! Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa! Anu man ang hangarin sa akin ng langit kakayanin ko! Whoooooooooooooooooooooaaaaaaaaaaaa! Sugatan man ng malalim tagos sa damdamin Ay tila balewala Refrain II: Andami talagang nais manira ng pangalan Ngunit ang karamihan ay takot tumira ng harapan Pag hindi ko na malaman kung kaibigan ko kalaban Ngingitian ko na lamang Kahit gaano kapait ng naranasan Masakit na nakaraang hindi ko matakasan Walang awang tadhana ay tatawanan Kahit ga'no kasama ng kapalaran ay, ay, ay, ay, ay, Tatanggapin ko ng buo kahit pa gaano kapait "Balewala" Sasagarin ko hanggang sa buto kahit pa gaano kasakit "Balewala" Aakyatin ko ang pinakaa tuktok kahit gaano pa katarik "Balewala" Bawat suntok na sinalo ay may tadyak na kapalit Dinuduro ako ng mundo kaya nginaratan ko pabalik

You need to sign in for commenting.
No comments yet.