Loonie - Bago ang Lahat lyrics

Published

0 543 0

Loonie - Bago ang Lahat lyrics

[Featuring: Ron Henley & Violette] [Loonie:] Ang Haba ng tulog ko masyadong masarap Daig ko pa ang batang bagong panganak Ni hindi ko nga alam kung paano naganap Paggising ko bigla nalang nag bago ang lahat Yung Taxi, kwarenta na ang flagdown sa metro Tapos halos dose pesos bawat kilometro Siguradong mababadtrip dito si Rizal Barya nalang ang sampung puso, literal! Boksingerong kongresista, pwede na! Palakasan sa pulitika, etcetera Hindi na uso ang silya elektrika Tapos si Rustom Padilla may dede na! Tigok na si Saddamm, patay na si Osama Nag-tsunami sa Japan, buti buhay pa si Ozawa Halalan sa Amerika, nan*lo si Obama Puti na ang pisara, bagong simula na! [Violette:] Bago ang lahat, alam mo ba na ang Lahat ay nagbago na Lahat ay nagbago na [Loonie:] Pabago-bago, pabago-bago (3x) Ang panahon at isip ng tao [Ron Henley:] Sa aking pagbalik, halos walang nagbago sa itsura Ganun pa rin ang bakod bago lang ang pintura Mailaw na lansangang, bagong gimikan Pare-pareho lang ang ulam, bagong init lang Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri Sa pader, kung san nagpapataasan ng ihi Panay bagong mukha ang nasa gitna Dating salimpusa naging aso bigla Nawala na yung dating mga kasama ko lagi Nag-anyong gusali at nagpakabahay kunwari Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali Nagbago ang galawan nawala lang yung hari Ang daang baku-bko sana maging semento At ang daang liku-liko sana maging derecho Pilit kong inisip ano nga bang nag-iba? Sino nga bang nagbago, ako ba o sila? [Violette:] Bago ang lahat, alam mo ba na ang Lahat ay nag bago na Lahat ay nagbago na [Loonie:] Pabago-bago, pabago-bago (3x) Ang panahon at isip ng tao [Loonie:] Taong dalawang libo't labing dal'wa Habang tumatagal ang mundo nag-iiba Walang permanente kundi ang pagbabago Dating luntian, unti-unti nang naglalaho Tubig sa ilog pasig pwedeng inumin dati Tinitingnan ka ng mata ng Illuminati Salamat kay Allah, meron ng DVD copy Napipirata nila pati Issey Miyake Para sa'n pa ang TV, kung meron ng PC Aanhin pa ang encyclo kung meron ng wiki Buong mundo nasa dulo ng daliri mo Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo May bago kang phone ano ang gagawin mo? Kung may lumalabas na masbago kada lingo Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo Baka di mo nalang mamalayan biglang mamatay ang katabi mo [Violette:] Bago ang lahat, alam mo ba na ang Lahat ay nagbago na Lahat ay nagbago na [Loonie:] Pabago-bago, pabago-bago (3x) Ang panahon at isip ng tao