La Diva - Gaano Kadalas Ang Minsan lyrics

Published

0 129 0

La Diva - Gaano Kadalas Ang Minsan lyrics

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan? 'Sindalas na rin ng dami ng bituin, waring walang-hanggan Dahil sa labi ko, laging mararamdaman Kahit sandali halik mo'y dumampi, minsan Gaano kadalas ang makapiling kang minsan? Sa 'ki'y 'sindalas nang walang wakas, saglit man magpisan Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa Kung magsasanib ang dalawang dibdib, 'di ba? Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas, Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari itago man ay lalabas, At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang sa 'ki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas, Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas Pagkukunwari itago man ay lalabas, At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan? Kahit minsan lang sa 'ki'y para bang walang katapusan Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan? Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan?