Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman Sinasambit ng baliw awit na walang laman Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal May isang hindi baliw, iba ang awit na alam Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman Sinong dakila Sino ang tunay na baliw Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat Sinong dakila Sino ang tunay na baliw Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos Ooh.....Ahh....... Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na ban*l Sinong dakila Sino ang tunay na baliw Sinong mapalad Sinong tumatawag ng habag Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos Kaya't sino, sino, sino nga Sino nga ba Sino nga ba Sino nga ba ang tunay na baliw