Kepha - Samo ni David 27 lyrics

Published

0 112 0

Kepha - Samo ni David 27 lyrics

Diyos ang aking Liwanag at aking Tagaligtas Kanino matatakot? Siya ang Lakas ng aking buhay Nang dumating ang masasama at aking mga kaaway Upang kanilang lamunin itong ang aking laman Sila'y nagkandarapa at sila'y nagsitumba! Kahit libo-libo pa sila laban sa akin Puso ko'y ‘di aatras kahit gera p'ang iharap sa'kin Dahil dito loob ko'y maging buo Isa lang aking inaasam sa Diyos Na ako ay titira habang buhay sa Kaniyang bahay At makita ang Kanyang ganda at man*langin sa templo Niya Sa oras ng panganib ako'y itatago Niya Sa Kaniyang lilim, ako'y ipapatong sa isang bato At ngayon ang ulo ko'y aking itataas Sa paligid ng aking mga kalaban -at Ako'y mag-aalay at aawit sa Kanya Dinggin mo oh Diyos pagsamo ko sa Iyo Kaawaan mo rin naman sana ako At sagutin mo ang dalangin ko ‘Pag sinabi Mo'ng hanapin ka (Hahanapin Kita) Huwag Mo'ng itago ang Iyong Mukha Sa'kin At huwag Mo akong pababayaan Oh Diyos ng Aking Kaligtasan ‘Pag iniwan ako ng mga magulang ko Ang Diyos ang sasalo't itataas ako Ituro Mo sa'kin ang Iyong daan Oh Diyos At dalhin Mo ‘ko sa patag na daanan Dahil sa mga kalaban ko H'wag mo akong isuko sa mga kalaban ko Dahil may mga testigong ‘di naman totoo At sila'y nagsi alsa laban sakin At may kasamang malupit na hininga Ako'y nawalan ng malay Kung hindi ko nakita Ang kabutihan ng Diyos Sa lupain ng buhay Maghintay lang sa Diyos Maging matapang at Siyang magtatatag ng iyong puso (Mag hintay lang sa Diyos)