Kapamilya Stars - Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko lyrics

Published

0 25656 0

Kapamilya Stars - Magkasama Tayo Sa Kwento Ng Pasko lyrics

Lea: Bawat Pasko'y may dalang himala Malakas man ulan ito'y titila Bamboo: Bubuhos ang pagpapala may kapiling ang nangungulila Anumang lungkot tayo'y aahon may lunas sa sugat ng kahapon Sarah: Sa isa't isa'y mayrong paglingap Mga pangarap ngayo'y magaganap Refrain: Bamboo: Laging masaya ang kwento ng Pasko Kahit sino ka man may nagmamahal sayo Lea: Ngayong kapaskuhan ang pangako ko Sa puso ko'y magkasama tayo Chorus: Sa iisang awit ngayong pasko Magkayakap ang tinig ko't sayo Sa'ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig At ito ay tatawid sa buong daigdig Sa iisang awit ngayong Pasko Magkayakap ang tinig sa'yo Sa'ting himig nadarama na ang mahalaga Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko All: Oh oh oh oh oh... Oh oh oh oh oh... Kwento ng Pasko... Janice: Mga ala-ala sa Pasko'y di kumukupas Ilang taon pa man ang lumipas Myk: Dahil ang bawat damdamin oh... Umuukit ng malalim Klarisse: Yaman ng pagdiriwang Kahit simpleng kasiyahan Mitoy: Ang tunay na may kayamanan Pamilyang nagmamahalan (Refrain then Chorus) Bridge: Sarah: Magbago man lahat sa mundo Lea: Mananatili ang diwa ng Pasko Bamboo: Ang pagpapala ay hindi mauubos Lea: Ang himala ng Pasko Sarah: Ay hiwaga ng Diyos Chorus: Sa iisang awit ngayong pasko magkayakap ang tinig ko't sa iyo, sa ating himig ipagdiriwang ang pag-ibig at ito ay tatawid sa buong daigdig sa iisang awit ngayong pasko magkayakap ang tinig ko't sa'yo sa ating himig, nadarama na ang mahalaga ay magkasama tayo sa Kwento ng Pasko. (Repeat chorus) iisang kwento Sarah: Oh oh oh iisang kwento Sarah: Oh oh oh