Jona - Yung Pakiramdam lyrics

Published

0 208 0

Jona - Yung Pakiramdam lyrics

Yung pakiramdam na gusto mong tawagan Pero ayaw mong ipaalam na iniisip mo siya Na gusto mong dalawin Pero ayaw mong isipin niyang pinagdududahan siya Sa gitna ng trangkaso at lagnat Sa pagitan ng alanganin at tiyak Nasa bingit ng pagtitiwala at ng paghihinala Yung pakiramdam na gusto mong hayaan Pero ayaw mong Gawin lang niyang lahat nang gusto niya Hindi sa walang tiwala pero siya’y kilala Alam mo ang takbo ng utak niya Sa gitna ng pag-awit at pagkautal Sa pagitan ng sumpa at ng dasal Nasa bingit ng sigurado at ng hindi ka sigurado Yung pakiramdam na gusto mong yakapin Pero nasasakal itutulak ka Di daw siya makahinga mahilig nang maglihim Ang kanyang ngiti hindi mo tiyak kung ikaw ang dahilan Sa pagitan ng bukas at nakaraan Sa gitna ng tagtuyot at tag-ulan Yung pakiramdam Na hindi mo na alam ang nararamdaman