Joey Ayala - Maglakad lyrics

Published

0 289 0

Joey Ayala - Maglakad lyrics

Tipo bang walang magawa Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay Ganyan ang pirmeng nangyayari Sa laging nakakulong sa bahay Hindi sapat ang managinip na lang buong araw ‘Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan Ang tanging gamot sa kainipan ay Maglakad sa lansangan Kay raming makikita Igalaw ang iyong paa Maglakad sa lansangan Isuot ang iyong sapatos, tsinelas o bakya At kung ika'y ganahan – puedeng magpaa At maglakad nang dahan-dahan Huwag kang maghabol Iyo ang panahon, easy lang Maglakad, pagmasdan sari-saring hayop Mga manok na nagtatawiran Asong nagliligawan Pusang nagpapa-araw Naliligong kalabaw Kambing nagmemerienda At marami pang iba Maglakad pagmasdan - sar-saring mga tao Mga lolang nakatabako, mga nagkukutuhan sa hagdan Mag lolong de baston, mga batang -walang pantaloon Nagkekembutang mga dalaga, at marami pang iba Maglakad sa lansangan - sariwain ang isipan Tanggalin ang iyong inip - luwagan ang ulong naninikip Maglakad sa lansangan Kay raming makikita Huwag kang maghabol Iyo ang panahon, easy lang