Ron Henley - Ulila lyrics

Published

0 577 0

Ron Henley - Ulila lyrics

I Ang kulay puti, bughaw, dilaw, napalitan Sinakop ng mga uwak ang kalangitan Sa bigat ng kaulapan parang uulan At parang bagong taon kung mag-ututan ang mga bulkan Sunod-sunod na pagsabog ng granada Mga katawang nakahandusay sa kalsada Mga mukha ay duguan, di na makilala Ganto pala ang tunay na kulay ni kirara Kahit sanka tumingin usok ang itim Sa kapal kaya nyang takpan ang mga bituin Isang kidlat, kasunod ng kulog Kasabay ng isang malungkot na tunog Teka nasan yung iba? ako lang ba ang natira? Ako lamang mag-isa at hinahanap kita Lubos na nagtataka, bakit di kita kasama? Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka uh Koro: Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa II Anong kaguluhan to? Anong nangyari dito? Nilamon ng apoy ang luntiang paraiso Kulay pulang anyo ng tubig, daanan ay maputik Nasunog ang lahat ng palayan sa bukid Galit ang hangin na sa akin ay humampas Na nagdala sakin patungo sa isang talampas Ahit na kagubatan, nakalbong kabundukan Habang humahaba ang buhok ng kalungkutan Dito namahay ang hari ng kadiliman Pailalim makatingin at di ka titigilan Tinanong ko't tinitigan, kung kelan sya lilisan Mahal nya daw ang mundong 'to at di nya maiiwan Puro ungol at sigaw ng mga kaluluwang ligaw Hinahanap ay ikaw Sadyang nakakatakot ang pook nato pag di kita kasama Ganto ang larawan ng aking mundo kapag wala ka, uh Koro: Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa Koro 2: Ganito ang mundo kapag wala ka Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x Diba sabi mo babalik ka ng maaga? Pano nako kung wala ka, magsalita ka III Wala nakong liwanag na masipat Sumuko na yung araw, ayaw nang sumikat Ayoko na dito, gusto ko ng lumipat Hayaan nyong tapusin ko ang aking paghihirap Nagkalat sa hangin ang amoy ng mga Patay na kandila at mga rosas na lanta Ang tanging tinig mo ang nais kong marinig Hanap ang iyong yakap at bibig sa twing ganto kalamig Hindi, hindi ako susuko Ako'y lalaban hanggang wala ng dugong tumulo Kasi ikaw lamang ang tanglaw sa gabing mapanglaw At sana sa pagdilat ko ikaw ay matanaw Pagkagising ko natagpuan ko ang sarili ko Wala ka sa aking tabi't nalilito Ganto kagulo ang isip ko pag di kita kasama Pano nako kung wala ka, magsalita ka... Koro: Kawawang nilalang, ba't nag-iisa? 3x Kawawang nilalang lagi nalang nag-iisa Koro 2: Ganito ang mundo kapag wala ka Ganito kagulo kapag hindi kita kasama 3x Diba sabi mo babalik ka ng maaga? Pano nako kung wala ka, magsalita ka