[Verse 1] Halika muna dito sa 'king tabi Magpalitan tayo ng mga llihim [Pre-chorus 1] Kung hahayaan mo ako'y makikinig Ingay ng mundo'y bibitawan ko dahil sa pag-ibig [Chorus 1] Ang takot ay bitawan na Sa akin magtiwala Imulat ang mga mata Pag-ibig ay paglaya Kung mapahamak man, 'wag mag-alala Ililigtas kita [Verse 2] Huwag kang matakot sa paghamon ng dilim Narito ako, lalaban sa iyong tabi [Pre-chorus 2] Kung hahayaan mo, ika'y mamahalin Kapag nasa panganib ka, buhay ko'y ibubuwis [Chorus 2] Ang takot ay bitawan na Sa akin magtiwala Imulat ang mga mata Pag-ibig ay paglaya Kahit mahirapan, 'di kita pababayaan Pag-ibig ang panlaban Ililigtas kita Ililigtas kita Ililigtas kita Ililigtas kita