Melbelline Caluag - 'Di Na Lang Ikaw (My Special Tatay OST) lyrics

Published

0 234 0

Melbelline Caluag - 'Di Na Lang Ikaw (My Special Tatay OST) lyrics

[Verse 1] Ooohhh Kaya kong tumawa sa lahat ng biro mo Kahit ilang beses mo nang pinaulit-ulit 'to Kaya kong kulangin sa tulog Pag kausap ka na, 'di na inaantok Kaya kong gawin lahat ng hilingin mo sa 'kin Ngunit 'di ko lang magagawang aminin [Chorus 1] Na habang tayo'y magkasama 'Di ko mapigilang mahulog ang damdamin ko sa'yo Kahit mukha mang imposible na ako'y ibibigin mo Bakit 'di ko magawang 'Di na lang ikaw ang siyang ibigin ko [Verse 2] Kaya kong ngumuti kahit nagseselos na Sa tuwing kinukuwento mo'ng mga nangyari sa inyong dal'wa Kaya kong magpanggap at asarin ka pa Na bagay kayo, na sana kayo Oh hanggang kailan magdurusa Hindi ko man gawain magkunwari at magpanggap Ngunit pa'no sasabihin kung nasa iba ang 'yong hanap [Chorus 2] Habang tayo'y magkasama 'Di ko mapigilang mahulog ang damdamin ko sa'yo Kahit mukha mang imposible na ako'y ibibigin mo Oh bakit 'di ko magawang 'Di na lang ikaw ang siyang ibigin ko [Bridge] Mapapagod din ang aking puso 'Di mabuti ang umasa nang walang pangako Ngunit habang ikaw pa rin ang siyang sigaw Ako ay lalayo na muna at maliligaw Baka sakali lang naman matagpuan Ng tunay na pag-ibig na walang hanggan [Chorus 3] Nang 'di ko na kailangan pang pigilan Na mahulog ang damdamin kong ito sa'yo Dahil aking matututunan na ito ay tanggapin Mga sugat ng puso'y hihilom rin Panahon ay aking kakaibiganin At magagawang piliin Na 'di na lang ikaw ang siyang ibigin ko