Ang panganay ng umaga'y Sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat Sa lawak ng mundo Mga buron at kabundukan Nakahanay sa abot-tanaw Bughaw na langit at kapatagan Magkasintahang nagtatagpo Lawa , ilog, dagat Lamig, tamis, alat Ulan, agos, alon Haplos sa pisingi ng panahon Sanlibong ulap nagliliparan Kasabay ng agila at lawin Bulong ng simoy awit ng hangin Sigaw ng buhawi Ako'y tao lamang Taga-bigay ng pangalan Taga-sukat, taga-bilang Munting butil ng sanlibutan Ang panganay ng umaga'y Sumilip sa bintana Ako'y dumilat at nagulat Sa lawak ng mundo