{Verse 1} Araw-araw, magkasama Kay saya at tila atin ang mundo Oras-oras, magkausap Sa lahat naman tayo'y magkasundo {Pre-Chorus} Bakit parang kulang pa? Pero 'di ko makita 'Di malaman kung saan ba ito papunta Ano na nga ba tayong dalawa? Naiisip mo ba, kung tayo ba o 'di tayo? Damdamin ay nalilito Kung pwede lang malaman ko Ano nga ba tayo? {Verse 2} Minu-minuto, 'pag wala ka hinahanap at 'di maintindihan Segu-segundo ay nasa isip Tanong palagi: ano ang dahilan? {PreChorus} Bakit parang kulang pa? Pero 'di ko makita 'Di malaman kung saan ba ito papunta {Chorus} Ano na nga ba tayong dalawa? Naiisip mo ba Kung tayo ba o 'di tayo? Damdamin ay nalilito Kung pwede lang malaman ko Ano nga ba tayo? {Bridge} Kung paano ang sagot sa katanungan ay 'di ko alam 'Di masukat ang laman ng nasa puso ang nararamdaman Oohh... Oh woah... {Chorus} Kung tayo ba o 'di tayo? Damdamin ay nalilito Kung pwede lang malaman ko Ano nga ba tayo? (Ano na nga ba tayong dalawa?) (Naiisip mo ba?) Kung tayo ba o 'di tayo? Damdamin ay nalilito Kung pwede lang malaman ko Ano nga ba tayo?