Mga ilaw sa daan ay nakikisabay sa liwanag ng buwan Habang ako’y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan Sa inipong usok ay bitin na naka-ipit sa gitna at pang bituin Tuloy-tuloy sa pagtakbo Biglaang hihinto sa dulo Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila Hindi mo na mapipigilan ang saya. Damdamin mo ay umaapaw Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw. Mga tao sa daan; sila’y sabay-sabay sa paggawa ng paraan Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin Tuloy-tuloy sa pagtakbo Biglaang hihinto sa dulo Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila Hindi mo na mapipigilan ang saya. Damdamin mo ay umaapaw Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw. Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila Hindi mo na mapipigilan ang saya. Damdamin mo ay umaapaw Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw. Kung makikita mo naman… Tumatalon sumisigaw… Hindi mo na mapipigilan… Sulitin mo ang buong gabi…