Pasensya na kung ako ay hindi nag sasalita I verse: Gloc9: C Am F G - isakto nyo lang sa tono Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo Nilapitan kat kinausap at tayoy naging magkaiban Laging mong kakwentuhan sa umagahan natin na tambayan Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit Gustuhin ko mang sabihin akoy kaibigang matalik Ng lalake na sayoy gabi-gabi ang panliligaw Ikay sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw Na ako ang syang nakakaalam kung ano ang mas tama Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang Chorus: F G C Bm Am F G Wag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi II verse: C Am F G - Ganon ulit Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti Akoy nagsisi, kung alam ko lang di sanay noon pa Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon Isisigaw ng malakas hindi ko na ibubulong Damdamin ko para sayo dalangin sanay may tugon Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon Repeat Chorus C Am F G - eto rin! Isang gabi habang akoy nakaupo sa harapan Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita Hindi nakapagsalita akoy napatulala Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala Siguroy panahon na upang kamiy magkasama Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad Ikaw palay ikakasal at sa akin ay magpapaalam Di na nakuhang sabihin at sayoy ipaalam Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na Sa pagtalikod at may tumulong luha sayong mata Repeat Chorus C Am F G Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita 2x