Yeah Konflick Loonie Yeah Gloc 9 May sasabihin lang ako... Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka I: Gloc 9 Sila na ang tanging alam ay ang maghusga ng iba Pero hindi naaamoy ang sariling baho nila Nagagalit pag may nakikitang iba na masaya Gumagamit ng kapwa para lang malamangan nila'ng ibang tao kahit na pano, Hindi nanghihinayang ipakita sa mga tao kung gano kagaspang ang ugali sana'y mabali at hindi na pamarisan nang mapigilang dumami tanging palatandaan Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka II: Loonie Panibugho ay karamdaman na wala nang lunas Kahit anong gawin mo hahanapan ka ng butas Pati bata ginagago, palibhasa kasi bago Bakit di ka pa magbago, alimasag, alimango Itaya mo nang lahat, pakilatag pati pato Para lang makatanggap ng palakpakang masigabo ay kailangan mong ialay laway, pawis at dugo Pero nandyan sila, nilamon ng panibugho Pag ika'y umasenso meron agad magtatangka Na ika'y pabagsakin gaya ng mga talangka Kaya naman namamangha ang mga nagbabanta na bumangga sa'king barko tataob ang iyong bangka Wala ka namang pan*lo, anong mapapala mo Mabuti pa siguro maghanap ka ng trabaho Kaysa sa maghusga ka, di mo ako kilala Pero kilala kita, isa ka sa kanila Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka III: Konflick Saydang nagkrus ang aming landas, sa wakas bukas na ang aming pinto Muling mamamayagpag at walang makakasugpo Sa muling pagbangon ay aahon ng panibagong yugto Ng kabanata ng aming istoryang hindi hihinto Sa kabilang panig ay nagbabalak na namang maparisan Sige subukan tignan ewan kung di ka pagpawisan Sa kakaisip ng panibagong hakbang at galaw Subalit ang katotohanan ay walang kaagaw Ang katulad namin na dalubhasang sumulat ng letra Mga pangungusap kong kailanman'y di mo kayang ikwenta Sa dami ng gustong umentra sinubukang mapalitan Ngunit laglagan di makayanan tanggapin ng ilan Kahit na sino pa yan ay hindi ko sasantuhin Hindi mo ko palamang kaya wag mo kong babastusin Kalimutan mong kayang agawin pang aming mga trono Pagka't laging pambihirang aming kataga't mga tono, tara! IV: Gloc 9 Ang di ko lang maintindihan ay bakit sakin nagalit Ng may isang taong sakin ay makataong lumapit Humingi ng tulong ukol sa mga bago niyang awit Ay marating ang pangarap na kay tagal niyang hinanap Subukang mo ngang ilagay ang iyong mga paa Sa kanyang kinatatayuhan wala kang pinag iba Dahil malamang siya sayo ay nakahihigit pa Nakayanang niyang umamin kahit nakapikit pa Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka Yeah Konflick Loonie Yeah Gloc 9 May sasabihin lang ako... Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka Siya ay matangkad o pandak, payat, pwedeng mataba Pag di mo siya kilala sa tingin di mo halata Ang kulay o kung gaano kakapal ang kanyang mukha Dalawang kamay, dalawang paa pero utak talangka