Gloc9 - Hari Ng Tondo lyrics

Published

0 419 0

Gloc9 - Hari Ng Tondo lyrics

(Denise Barbacena) kahit sa patalim kumapit isang tuka isang kahig ang mga kamay na may bahid ng galit kasama sa buhay ng minana isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama ang hari ng tondo hari ng tondo baka mabansagan ka na hari ng tondo hari ng tondo hari ng tondo ohhhh baka mabansagan ka na hari ng tondo (Gloc 9) minsan sa isang lugar sa maynila maraming nangyayare ngunit takot ang dilang sabihin ang lahat animoy kagat kagat kahit itagoy di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong kahit madami ang ulupong at halos hindi iba ang laya sa pagkakulong sa kamay ng iilan umaabusong kikilan ang lahat ng pumalag walang tanong ay kitilan ng buhay, hukay luha'y magpapatunay na kahit hindi makulay kailangan mag bigay pugay sa kung sino ang lamang mga bitukang halang at kung wala kang alam ay yumuko ka nalang hanggang sa may nag pasya na sumalungat sa agos wasakin ang mga kadenang na syang gumagapos sa kwentong mas astig pag sa bagong tahi na lonta sabay sabay natin hawiin ang tabing na tolda (Denise Barbacena) kahit sa patalim kumapit isang tuka isang kahig ang may kamay na may bahid ng galit kasama sa buhay na minana isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama ang hari ng tondo hari ng tondo baka mabansagan ka na hari ng tondo hari ng tondo hari ng tondo ohhhh baka mabansagan ka na hari ng tondo (GLOC 9) Nilusong ang kan*l na sa pangalan nyay tumawag alang alang sa iba tsaka na muna ang patawad sa maling nagagawa na tila nagiging tama ang tunay na may kaylangan ang sya pinatatamasa lahat silay takot nakakapaso ang iyong galit mga bakal na may nag babagang tinga papalit palit sa hangin na masangsang nakakapanghina ang nana at hindi mo matangal na parang bang sima ng panang nakulawit subalit sa kabila ng lahat ay ang halimuyak lamang ng iisang bulaklak ang syang tanging nag hahatid sa kanya sa katinuan at hindi ipagpapalit na kahit na sino man. ngunit ng dumating ang araw na gusto nyang talikuran ay huli na ang lahat at sa kamay ng kaibigan ipinasok ang tinga tumulo ang dugo sa lonta ngayon alam niyo na ang kwento ni ASIONG SALONGA